News

2018 Fall Economic Statement: Pamumuhunan sa Trabong pang-Middle Class

todayNovember 22, 2018 48

Background
share close

Ontario Kagawaran ng Pananalapi ng Canada

Salamat sa masisipag na mga Canadians, ang ekonomiya ng bansang Canada ay malakas at patuloy na lumalago, at lalong mas maraming pang magagandang trabaho para sa middle class at para sa mga nagsusumikap na makasali dito. Kasabay nito, mas marami pang oportunidad upang umunlad sa pamamagitan ng pagtulong sa mga negosyo na mamuhunan upang sila ay nasa posisyon para sa pang- matagalang pag lago at pag likha pa ng trabaho sa buong bansa.

Ang 2018 Fall Economic Statement ay ang susunod na hakbang para sa plano ng Gobyerno upang lumago ang ekonomiya sa pamamagitan ng pag-invest sa trabahong middle class.

Sa 2018 Fall Economic Statement, iminungkahi ng Gobyerno na:

  • Mas lalong pagbutihin ang competitiveness sa pamamagitan ng pag-papahintulot ng pag kansela ng kabuoan ng halaga ng makinarya at kagamitan na gamit sa pagmamanupaktura at pag proseso ng goods sa lalong madaling panahon; ito’y magreresulta sa kabawasan ng buwis, at sa pamamagitan ng pag pakilala ng Accelerated Investment Incentive upang suportahan ang mga negosyo na iba’t ibang laki at sa lahat ng sector ng ekonomiya. Ang mga pagbabagong ito ay ginawa upang mas lalong makaakit na mag i-invest sa assets upang mas lalong lumago ang mga negosyo at may seguridad ang mga trabaho para sa mga middle class na Canadians.
  • Mas mataas na investment sa sektor ng malinis na teknolohiya o “clean technology” sa pamamagitan ng paghintulot ng partikular na kagamitan na gumagamit ng malinis na teknolohiya na maging karapat-dapat, upang kaagad ma-ikansela ang buong halaga. Ang investment na ito ay makakatulong makamit ang mga layunin sa klima, at sa posisyon ng Canada na maging mas lalong competitive sa buong mundo.
  • Mapapabilis ang pag suporta sa mga makabagong ideya ng mga negosyo sa pamamagitan ng pag laan ng higit $800 milyon sa loob ng 5 taon sa Strategic Innovation Fund, na mag susuporta ng makabagong investments sa buong bansa at sa lahat ng sektor ng ekonomiya. Kapansin-pansin sa halaga ng investments ay ang $100 milyon na nakatuon sa pag suporta sa sektor ng Kagubatan.
  • Gawin ang Canada na isang bansa na konektado sa buong mundo sa pamamagitan ng pag lunsad ng Export Diversification Strategy na nakatuon upang mapataas ang export ng Canada ng 50% sa taong 2025.
  • Tanggalin ang mga hadlang sa komersyo sa loob ng Canada sa pamamagitan ng pagtutulungan kasama ang mga probinsya at teritoryo upang tulungan ang mga negosyo na padaliin ang pag transporte ng goods, pagtugun-tugunin ang mga regulasyon sa pagkain at inspeksyon, pagsangayon ng regulasyon para sa sektor na konstruksiyon (nabibilang na ang

pagtutugma ng mga building codes sa buong bansa), at pag papangasiwa ng mas malaking komersyo ng alkohol sa pagitan ng mga probinsya at mga teritoryo.

  • Ipakilala ang mga panukala upang mas madaling lumago ang mga negosyo sa pamamagitan ng pagbabago ng mga regulasyong pederal at pag tulong sa mga regulators na isaalang- alang ang competitiveness ng ekonomiya sa pag disenyo at pag implemento ng regulasyon, habang patuloy na pag protekta ng kalusugan at kaligtasan ng mga Canadians, at ang ating kalikasan.
  • Suportahan ang mga makabagong solusyon sa mga malalaking hamon na hinaharap ng bansa sa pamamagitan ng pag-buo ng Social Finance Fund na mag bibigay daan sa mga organisasyong pangkawanggawa at para sa panlipunang layunin sa bagong pangtustos sa kanilang ideya, at pag konekta sa mga mamumuhunang hindi galing sa gobyerno.
  • Isusolong ang Makatarungang Suweldo sa pamamagitan ng pag siguro na ang mga babae at lalaki sa sektor na sa ilalim ng pamahalang pederal ay nakakatanggap ng pantay na bayad para sa pantay na halaga.

Inanunsyo rin sa Fall Economic Statement ang intensyon ng Gobyerno na ipakilala ang tatlong estratehiya upang suportahan ang pamamahayag sa Canada, at ito rin ay mag bibigay ng bagong kaalaman tungkol sa ekonomiya ng Canada:

  • Ang ekonomiya ng Canada ay malakas at lumalago. Sa 3%, ang bansang Canada ay ang pinakamalakas na pag lago ng ekonomiya sa lahat ng Group of Seven (G7) na mga bansa sa 2017, at inaasahan itong manatiling isa sa pinakamabilis na lumagong ekonomiya ngayon at sa susunod na taon.
  • Mas marami pang mabubuti, at mga trabahong mahusay ang pagbabayad para sa mga Canadians. Sa nakaraang tatlong taon, gumawa ng 550,000 na bagong full-time na trabaho ang mga Canadians, na nag resulta sa pag baba ng unemployment rate sa loob ng 40 na taon.
  • Ang sweldo ng mga Canadians ay tumataas. Para sa karaniwang manggagawang Canadian, ang pag taas ng sweldo ay mas mataas pa sa inflation. Kung ang kalakaran na ito ay magpatuloy, ang taong 2018 ay pwedeng maging pinakamalakas na pag taas ng sweldo sa halos isang dekada.
  • Ang kumpiyansa ng mga mamimili ay malakas. Dahil sa mas maraming pera, mas maraming trabaho, pag-taas ng sweldo, mas may kumpiyansiya ang mga Canadians sa kanilang mga posisyong pananalapi. Ito ay naglalarawan sa kumpiyansiya ng mga mamimili na sa kasalukuyan ay nasa makasaysayang pamantayan.
  • Ang mga kita sa negosyo ay tumaas. Ang kakayahang kumita, pagkatapos ng buwisan ng mga negosyo sa Canada, ay mas mataas kumpara sa makasaysayang pamantayan, ito ay karagdagan sa positibong kondisyon para sa mas lalo pang pag dami ng investments, katulad ng pag-invest sa mga mabubuting, trabahong mahusay ang pagbabayad para sa mga Canadians.
  • Ang depisit ng pederal ay ipinapanukalang bababa mula sa $19.6 billion sa mga taong 2019- 20, hangga’t $11.4 na lamang sa mga taong 2023-24, kalakip ng pederal na debt-to-GDP (gross domestic product) ratio na ekspektadong patuloy na bumaba habang maabot ang 28.5% sa taong 2023-24.

Kasama ng Fall Economic Statement, ang Gobyerno ay patuloy na maghahatid sa pangako nitong palakasin at palakihin pa ang middle class at mag handog ng tulong sa mga taong nag susumikap na makasali dito – habang mag i-invest sa paraang responsable sa pananalapi upang patuloy na mapalakas at mapalago ng ekonomiya ngayon at sa pang matagalang panahon.

“Sa buong bansa, ang malakas at lumalagong middle class ay syang nagpapakilos ng pag unlad ng ekonomiya, lumilikha ito ng bagong mga trabaho at mas maraming oportunidad para sa mga tao na magtagumpay. Ang Fall Economic Statement na ito ay tungkol sa umuunlad na ekonomiya sa pamamagitan ng pag-invest sa mga trabahong pang-middle class, tumutulong sa mga negosyong Canadian na mas maging mapagkumpitensya, at patuloy na pag hatid ng tunay na progreso para sa middle class. Mula sa mga bagong estratehiya na nasa Statement, at sa patuloy na pagsusumikap ng mga Canadians, ang Gobyerno ay bumubuo ng ekonomiya na tumatakbo ng tama para sa lahat.”

Bill Morneau, Ministro ng Pananalapi

Ma-aaring makipag-ugnayan ang midya kay:

Pierre-Olivier Herbert Relasyon ng Midya Kalihim ng Press Departamento ng Pananalapi ng Canada Opisina ng Ministro ng Pananalapi fin.media-media.fin@canada.ca Pierre-olivier.herbert@canada.ca 613-369-4000 613-369-5696

Para sa mga katanungang pangkalahatan: Telepono : 613-369-3710 Facsimile : 613-369-4065 TTY : 613-369-3230 E-mail : fin.financepublic-financepublique.fin@canada.ca

Written by: DJ Yuwie

Rate it

Previous post

News

2018 Fall Economic Statement: Investing in Middle Class Jobs

Ottawa, Ontario – Department of Finance Canada Thanks to the hard work of Canadians, Canada's economy is strong and growing, creating more good, well-paying jobs for the middle class and people working hard to join it. At the same time, there is an opportunity to do more, by encouraging businesses to make investments that will position them for long-term growth, and create jobs across the country. The 2018 Fall Economic Statement is the next step in the Government's plan to grow the […]

todayNovember 22, 2018 33

Post comments (0)

Leave a reply

Live Stream
Sorry, there is nothing for the moment.
YouTube Channel
Sorry, there is nothing for the moment.

LISTEN WITH YOUR APP

0%
Skip to toolbar