Sinabi sa akin na isa sa walong babaeng Canadian ay magkakaroon ng kanser sa suso sa
kanilang buha, at iniisip ko kung totoo ba iyon? Matapos ang ilang pananaliksik, nalaman
ko na hindi lamang ito totoo, hindi din ito nakikita agad sa pamamagitan ng pagpindot o
sa mga nakikitang palatandaan. Gayunpaman, mas maagang nalalaman ang kanser, mas
mababa ang pagkakataong mamatay dahil dito.
Sa kabutihang palad, narito ang Quebec Breast Cancer Screening Program (PQDCS) na
may layuning pigilan ito, kung kaya naiiwasan ang maraming pagkamatay hangga't
maaari.
Paano ito gumagana? Sa pagpapadala ng liham sa lahat ng kababaihang may edad 50
hanggang 69 na insured ng Régie de l'assurance maladie du Québec (RAMQ), na nag-
aanyaya sa kanilang sumailalim sa mammogram, na isang breast X-ray, na ginagawa
bawat dalawang taon, nang walang babayaran. Ang mga babaeng walang health
insurance card ay maaaring makipag-ugnayan sa isang propesyonal sa pangangalaga ng
kalusugan upang makakuha ng reseta kung saan maaari silang sumailalim sa pagsusuring
ito, na magkakaroon ng bayarin sa kanilang kaso.
Upang sumailalim ako sa mammogram, ang kailangan ko lamang gawin ay magpa-
iskedyul ng appointment sa nakalaang screening center, dalhin ang mga kinakailangang
dokumento sa appointment, punan ang consent form sa site, at sumailalim sa
eksaminasyon. Ang lahat ng detalye ay ipinaliwanag sa liham, kaya mahalagang basahing
mabuti ito. I also suggest that you ask for an ultrasound, because some cancers are not
detected by mammography alone. This option is chargeable, but inexpensive.
Sinabi ng doktor ko sa akin na ang programang ito ay maraming benepisyo kasama ang
pinababang panganib na mamatay ng dahil sa kanser sa suso o ang pangangailangang
sumailalim sa chemotherapy, alamin ang pangkalahatang kalusugan ng aking suso, at iba
pa. Upang linawin ang ilang kilalang paniniwala, nagbahagi rin siya ng ilang katotohanan
sa akin na gusto ko namang ibahagi sa iyo:
Ang mammogram ay hindi nagiging sanhi ng kanser at hindi masakit
Mahalagang regular na sumailalim sa mammogram
Ang kanser sa suso ay maaaring mangyari kahit na sa isang pinakamalusog na tao
na walang kasaysayan ang pamilya
Tulad ng sinasabi nila, ang pag-iwas ang pinakamahusay na gamot, kayat huwag mag-
atubiling sumailalim sa mammogram!
Para sa iba pang impormasyon, kumonsulta sa www.accesss.net website (mga rekord —
kanser at mga imigranteng babae — PQDCS)
Post comments (0)